Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

Marahas Na Hakbang

Taon na sa dingding ng bahay namin sa Michigan ang palamuting busog at talanga na lagayan ng palaso. Nakuha ito ng tatay ko noong naglilingkod bilang misyonero sa Ghana. Minana ko ito sa kanya. Minsan bumisita ang kaibigang kong taga Ghana at nagulat siya sa nakitang maliit na nakatali sa busog. “Anting-anting iyan. Alam ko walang bisa pero ‘di ko…

Ayaw Sa Palusot

Tanong ng isang pulis ng Atlanta sa Amerika sa motorista, “Alam mo ba bakit kita pinahinto?” “Hindi po.” Marahang paliwanag ng pulis, “Nagtetext ka kasi habang nagmamaneho.” “Hindi po! Email po iyon,” sabi ng drayber at inabot ang selpon sa pulis. Lusot na ba ang drayber sa batas na nagbabawal magtext habang nagmamaneho? Hindi! Hindi naman pag-iwas sa pagtext ang punto ng batas kundi…

Nag-ulat Ng Panahon

Setyembre 21, 1938. Tanghali: Nagbabala ang batang dalubhasang si Charles Pierce sa Tanggapan ng Pag-uulat ng Panahon ng Amerika tungkol sa banta ng bagyo sa New England. Pero hindi naniwala ang pinunong tagapag-ulat na magkakaroon ng bagyo na sobrang layo na sa hilaga.

Paglipas ng dalawang oras: tumama na ang ‘1938 New England Hurricane’ sa Long Island. 4:00 ng hapon: nananalanta…

Pinaglaruan Ng Sansinukob

Noong 1980s nagsulat nang ganito ang isang kilalang astronaut na hindi naniniwala sa Dios, “Kung gagamitin ang sentido-komun para unawain ang mga katunayan, masasabing tila pinaglaruan ng isang sobrang-katalinuhan ang pisika, kimika, at biyolohiya.” Sa mata ng dalubhasang ito, may nagdisenyo ng lahat ng nakikita natin sa sansinukob. Dagdag pa niya, “hindi puwedeng sabihing bigla na lang nagkaganoon.” Pero, nanatiling hindi…

Hindi Sana Ganito

“Hindi sana ganito,” iyan ang panaghoy ng isang lalaking nagbigay-parangal sa kaibigang namatay nang bata pa. Nagbigay-sidhi ang mga salita niya sa matagal nang iyak ng puso ng sangkatauhan. Gustung-gusto nating baguhin ang mga hindi na mababago.

Maaari rin itong maglarawan sa naramdaman ng mga tagasunod ni Jesus pagkamatay Niya. Kaunti lang ang sinasabi sa Mabuting Balita tungkol sa nakakakilabot…